Hindi nagpatinag ang mga ipinagmamalaking kinatawan ng CBSUA – CALABANGA sa katatapos lamang na Tertulyang Pangwika 2024 na may temang: “HINANYOG: Pagtaratara sa Pagpapausbong ng Katutubong Wika, Dawani sa Malayang Pagpapahayag ng Wikang Pambansa” na ginanap noong ika-29 ng Agosto 2024 sa CBSUA – Pili, Alvaro Ravina Hall.
Sa pagbubukas ng programa, nagkaroon ng parada ang mga kinatawan ng apat na kampus kasama ang kanilang Punong Yunit, mga guro sa Filipino at piling mag-aaral. Nagbigay din ng pambungad na mensahe at oryentasiyon ang Direktor ng SWKS na si Dr. Leopoldo Transona, Jr. na sinundan naman ng pagbati at pagbigay mensahe ng pangalawang pangulong pang-akademya ng Central Bicol State University of Agriculture na si Dr. Emerson L. Bergonio.
Ang mga Punong Yunit naman ng apat na kampus na sila Dr. Christian Vega (Calabanga Kampus), Prof. Mercy Almonte (Sipocot Kampus), Dr. Elma Rosales (Pasacao Kampus), at Dr. Raquel M. Reapor (Pili Kampus) ay tinalakay ang patungkol sa lingguhang tema ng Buwan ng Wika ngayong taon.
Sa pagpapatuloy ng programa, nagsimula ang iba’t ibang paligsahan tulad ng Pagbigkas ng Tula (Bikol), Pagbasa ng Pananaliksik, Pagsulat ng Sanaysay, Dagliang Talumpati (Hindi handa), at Mutya at Lakan ng Wika kung saan ipinakita ng mga piling mag-aaral ang kanilang kahusayan at pagmamahal sa wikang Filipino.
Sa tulong at gabay ng Pamunuan ng Sinag-Wika, buong-husay na lumaban at hindi nagpatalo ang mga kinatawan ng Calabanga kampus na nagkamit ng mga sumusunod na parangal:
Cristal Aura Villamora – ๐ ๐๐๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ง๐ฒ๐ฟ๐๐๐น๐๐ฎ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฐ
๐๐ฒ๐๐ ๐ถ๐ป ๐จ๐ป๐ถ๐ณ๐ผ๐ฟ๐บ ๐๐๐๐ถ๐ฟ๐ฒ
๐๐ฒ๐๐ ๐ถ๐ป ๐๐๐ต๐ป๐ถ๐ฐ ๐๐๐๐ถ๐ฟ๐ฒ
Arnold Cosa – ๐จ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐๐ถ๐บ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ป
๐๐ฒ๐๐ ๐ถ๐ป ๐๐๐ต๐ป๐ถ๐ฐ ๐๐๐๐ถ๐ฟ๐ฒ
Ma. Luisa Villaraza -๐๐ธ๐ฎ๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐๐ถ๐บ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ, ๐ง๐ฎ๐น๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ
๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ
Marian Briรฑas – ๐๐ธ๐ฎ๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐๐ถ๐บ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ, ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ถ๐ด๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ง๐๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ธ๐ผ๐น
Jherlyn Bernal – ๐จ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐๐ถ๐บ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ, ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐๐น๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐๐ฎ๐
Elizabeth Breva – ๐๐ธ๐ฎ๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐๐ถ๐บ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ, ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐น๐ถ๐ธ๐๐ถ๐ธ.
Tunay nga namang ang CBSUA – Calabanga ay lunsaran ng mga alagad ng wika!
Sa pagpapatuloy ng programa, tinalakay ni Bb. Emily Nidea, Direktor ng Teatro Ragayano ang paksang “Pagpapausbong ng Katutubong Wika” na sinundan naman ng pagtalakay sa paksang “Filipino Sign Language sa Inklusibong Pambansang Kaunlaran” na pinangunahan ni G. Mellard A. Japson.
Sa pagtatapos ng programa, nagkaroon ng paggawad ng mga sertipiko at pag-anunsyo ng pangkalahatang kampeon sa Tertulyang Pangwika 2024. Hinirang na pangkalahatang kampeon ang CBSUA – Sipocot at sa kanilang pamantasan gaganapin ang Tertulyang Pangwika sa susunod na taon.
Samantala, ang Pili Kampus ang nakakuha ng unang pwesto, Calabanga Kampus ikalawang pwesto, at Pasacao Kampus para sa ikatlong pwesto.
Pormal na nagwakas ang programa sa mensahe ng pasasalamat mula kay Bb. Diona Marie Isidoro, ang pangulo ng KAWKS.
Naging matagumpay ang pagdaraos ng Tertulyang Pangwika 2024. Ang lahat ay umuwi nang may ngiti sa labi bitbit ang mga bagong kaalaman, karanasan, at gantimpala mula sa isang araw na puno ng pagka-Pilipino.
Mabuhay ang Wikang Pambansa!
Mabuhay ang Wikang Mapagpalaya! | ๐๐ญ๐ข๐ต ๐ฏ๐ช ๐๐ณ๐ช๐ด๐ต๐ข๐ญ ๐๐ถ๐ณ๐ข ๐๐ช๐ญ๐ญ๐ข๐ฎ๐ฐ๐ณ๐ข; ๐๐จ๐ข ๐ญ๐ช๐ต๐ณ๐ข๐ต๐ฐ ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฐ๐ฑ๐ช๐ด๐บ๐ข๐ญ๐ฆ๐ด ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐ฏ๐ข๐จ-๐๐ช๐ฌ๐ข