Bilang Tugon sa Proklamasyon Bilang 1041 serye ng 1997. Kasama ang Central Bicol State University of Agriculture sa Pakikiisa sa hangarin ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) sa pamumuno ng Sentro ng Wika at Kultura mula sa kanilang Direktor na si Dr. Leopoldo R. Transona, Jr. at mga kinatawang Punong Yunit ng Iba ibang campus na sina Dr. Christian C. Vega-Calabanga, Prop. Ma. Karen B. Fajardo-Pasacao at Prop. Abe-Gael M. Almasco-Sipocot Kampus ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2022 na may paksang diwang Wikang Filipino at mga katutubong wika tungo sa pagtuklas at paglikha.
Kaugnay nito sa pagsisimula ng pagdiriwang isinagawa ang Hudyat sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Itinampok ang sa Pagsaludo sa Bandila ng Pilipinas, mga katutubong sayaw at pagtatampok ng makukulay na kasuutang Barong Tagalog at modernong Filipiniana na may bahid kultural.
Naging makulay din ang selebrasyon mula sa mga naibahaging tinuran ng Panauhing tagapanayam na si G. Victor Dennis Nierva, isang Bikolanong manunulat at tagasalin, na tinalakay ang kahalagahan ng wika at mga katutubong wika. Ang munting salo-salo ng mga katutubong pagkain ang nagsilbing pampinid na bahagi ng programa. | isinulat ni Dr. Christian Vega