Sa layong gamitin ang wikang Flipino bilang transaksyunal na wika sa pamantasan, nagsagawa ng seminar-worksyap sa korespondensiya opisyal ang Sentro ng Wika at Kultura ng CBSUA na pinamumunuan ni Dr. Leopoldo R. Transona, Jr. at dinaluhan ng mga non-teaching staff ng Pili at Calabanga kampus at mga kinatawan mula sa LGU Pili noong Agosto 11, 2022.
Pinangunahan ni Dr. Christian C. Vega ang pagtalakay sa mga patnubay sa korespondesiya opisyal. Kanyang binigyang diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tamang kasanayan at karunungan sa pagsulat ng mga ito. Sinundan naman ni Dr. Transona ang pagtalakay sa mga kautusang pinagbatayan ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Matapos ang mga talakayan ay nagkaroon ng worksyap sa pagsulat ng mga korespondensiya opisyal tulad ng liham at memorandum.
Tatlo mula sa lahat ng mga dumalo ay itatanghal na pinakamahusay sa pagsulat ng mga nabanggit na korespondensiya opisyal.