Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Sining na may temang “Ani ng Sining, Diwa at Damdamin,” isinagawa ang Arte de Varayte: Konsyerto Musikal at Sayaw noong Pebrero 27, 2024, sa Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA).

Binuksan ang programa sa isang pambungad na pananalita mula kay Dr. Leopoldo R. Transona, Jr., Direktor ng Sentro ng Wika, Kultura, at Sining. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng naturang pagdiriwang bilang isang pambihirang pagkakataon upang maipamalas ng mga Stateans ang kanilang talento at malikhaing kakayahan.

Tampok sa konsyerto ang iba’t ibang pagtatanghal mula sa mga grupong kultural ng apat na kampus ng CBSUA. Nagpakitang-gilas ang mga banda at majorette mula sa bawat kampus, pati na rin ang mga kahanga-hangang pagtatanghal ng hip-hop dancers, Colours Edition Dance Group, ballroom dancers, vocal duet, Teatro Ladawan, at chorale.

Matapos ang makulay na pagtatanghal, nagbigay ng pagbabalik-tanaw si Dr. Christian C. Vega, Unit Head ng CBSUA-Calabanga, kung saan binigyang-linaw niya ang kahalagahan ng nasabing selebrasyon. Sinundan ito ng isang mensahe ng pasasalamat mula kay Dr. Myleen T. Balderas, tagapayo ng KMNP.

Bilang pagtatapos ng programa, pinangunahan ang Sayaw Unity Dance, kung saan sabayang nakiisa ang mga manonood at nagtanghal, na lalong nagpatibay sa diwa ng sining at pagkakaisa sa pamantasan. | 𝘔𝘢𝘺 𝘮𝘨𝘢 𝘭𝘢𝘳𝘢𝘸𝘢𝘯 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘍𝘈𝘔𝘈𝘚

 

 

Share on facebook
Share on twitter

Related News