Pina-igting ang dyurnalismo at pinukaw ang damdamin ng mga mag-aaral na manunulat at mamamahayag nang magsagawa ang opisiyal na pahayagan ng CBSUA-Pasacao, Catalyst, at Supreme Student Council (SSC) ng Journalism and Media Workshop na may paksang “Epektibong Talastasan at Pagbabalita sa Larang ng Pamamahayag” noong 1 Abril 2021 sa Central Bicol State University of Agriculture-Pasacao Campus.
Ang nasabing talakayan at pagsasanay ay dinaluhan ng mga kasapi ng Catalyst at SSC gayundin ng mga piling mag-aaral mula sa BSE-English, Filipino, Math, General Science, at BEEd. Sila ay nakibahagi sa talakayan at nakilahok sa mga gawain. Nagbahagi ng makabuluhang impormasiyon at karanasan ang mga pangunahing tagapagsalita na sina Mae L. Pulvinar ng ABS-CBN Naga, Julie F. Rodruguez ng Brigada News FM-Legazpi, at Jumel E. Dela Rosa ng Brigada News FM-Bikol; SSC sa pangunguna ni Princess Michelle H. Raynera, at Catalyst sa pangunguna ni Roy D. Olitoquit.
Umani ng papuri ang mga kalahok mula sa mga tagapagsalita dahil sa kanilang kahusayang ipinamalas. Tunay na hindi matatawaran ang angking talento ng ating mga mag-aaral. Nagtamo rin ng positibong komento ang Catalyst at SSC dahil sa maayos at organisadong pamamahala. Hindi hadlang ang krisis at pandemyang ating kinakaharap upang ipagpatuloy ang daloy ng kaalaman sa anumang aspeto. Ibayong pagsisikap, determinasiyon, at motibasiyon ang kailangan upang maisakatuparan ang ating mga simulain.
Words by: Roy Olitoquit
Photo by: Mark Jeff A. Parama