Pormal na isinagawa ng Central Bicol State University of Agriculture – Calabanga Campus ang seremonya ng pagtatapos para sa Batch 2025 o mas kilala bilang Batch Danlog na dinaluhan ng mga mag-aaral, magulang, kawani, at mga panauhing pandangal ngayong ika-25 ng Hunyo 2025 sa ganap na 3:00 ng hapon sa CBSUA Grounds sa ilalim ng temang Mga nagtapos sa taong 2025: Kampeon sa Buhay at Handa sa Hamon Bilang mga Propesyunal ng ika-21 siglo”
Sinimulan ang programa sa prusisyong pang-akademiko na sinundan ng pagbubukas ni Registrar ng Pamantasan na si Ma. Salome SM. Codillo. Pinangunahan ng Dekana at Dekano ang presentasyon ng mga magsisipagtapos at opisyal na kinumpirma ni Dr. Alberto N. Naperi, Pangulo ng Pamantasan.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mary Rose D. Segovia, Magna Cum Laude at Class Valedictorian, ang kahalagahan ng sipag at tagumpay. Pinarangalan din siya ng UniFAST Academic Excellence Award mula sa CHED.
Itinampok din ang panauhing tagapagsalita na si Kgg. Ethel Agnes P. Valenzuela, Komisyunes ng Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon o CHED at Tagapangulo ng Kalupunan ng mga Rehente na kinakatawan ni Dr. Michael B. Mallari Tagapamahala II sa Edukasyon ng CHED, na nagbigay-inspirasyon sa mga nagsipagtapos na patuloy na magsikap at itaguyod ang mga prinsipyo ng karangalan at layunin.
“Magpatuloy kayong maglakad ng may dangal, layunin at sigasig. Ang kinabukasan ay nasa inyong mga kamay, pagliwanagin ninyo ito. Maging champion kayo ng inyong mga buhay.”
Kasunod nito ang paggawad ng mga diploma, parangal sa akademikong at di-akademikong tagumpay, at panunumpa ng katapatan sa Alma Mater at sa alumni association na pinamunuan ng nina G. Romel B. Cornelio, Pangulo ng Batch Danlog at Engr. Salvador S. Abalayan, Pangulo ng Assosassyong Alumni ng CBSUA-Calabanga.
Pinahalagahan din ang paggamit ng Filipino bilang daluyang midyum ng buong programa. Ang seremonya ay naging makabuluhang paggunita sa tagumpay ng mga nagsipagtapos at hudyat ng panibagong yugto ng kanilang paglalakbay bilang mga propesyonal at kampeon ng buhay.
#OneCBSUA #LeadingInnovations #PremiereInstitution #ChampioningGlobalStandards